Agosto 23
Sabado ng Hapon. 5:00 pm
Katatapos
lamang ng Eat Bulaga. Nakakabagot. Walang magawa. Kaya naman napag-isipan kong
matulog na lamang, sa sahig para mas presko.
Sa pagtulog ko, nakakapaglakbay ako ng hindi napapagod ang aking katawan,
sakto din dahil may kailangan pa akong gawin pagkagising ko. Ang alalahanin ang
aking mga panaginip.
Eto na
nga, ang daming nangyari ngunit eto lang ang aking naalala. Sa labas ng
simbahan ng Ina ng Laging Saklolo, nakausap akong isang babae, hinihintay niya
ang anak niyang babae na nasa loob ng simbahan. May Misa yata. Pagkatapos ay
lumabas na ang mga tao sa loob ng simbahan at naiwan doon ang anak niya kaya
pumasok kaming dalawa. Nakaupo na kami nang biglang may mga nagsidating na mga
tao na parang galing sa prusisyon at may mga hawak na kandila. Nakita ko ang
nanay ko ngunit sa sa ibang upuan siya umupo. Mga madre tuloy ang tumabi sa
akin.
Naputol
ang lahat ng pangyayari ng sipain ako ng ate ko, medyo masakit ang sipa
niya, ang lakas daw kasi ng paghilik ko
na nakakaistorbo sa kanyang panonood ng I hear your Voice, isang Korean
telenovela. Laking gulat ko nang magising ako. Ako lang pala ang tao sa aming
bahay. At ang pagsipa ng ate ko sa akin ang siyang gumising sa mahimbing ko pag
idlip. Salamat dahil ang masakit niyang pagsipa sa akin ay panaginip lang pala.
Agosto 24
Linggo ng Umaga
Aalalahanin
at isusulat ko sana ang napanaginipan ko kagabi ngunit di ko matandaan dahil sa
sobrang himbing ng tulog ko pero ang
alam ko ang daming nangyari sa panaginip ko. Hindi ko lang talaga matandaan.
Buti na lang at natulog ako kahapon ng hapon. Doon nanaginip ako sa at naisulat
ko pa dito.
Agosto 25
Lunes
Napaka-honored
ko dahil naimbitahan ako sa birthday ni
Vic Sotto. Ansaya ko dahil kahit sa panaginp lang nakadalo ako sa birthday
celebration niya. Nakipag-selfie pa siya sa akin.
May isa
pang nangyari, habang naglalakad daw ako papuntang bayan ng Indang galing CvSU,
nakasalubong ko raw si Ma’am Budjang-conductress ng CvSu Chorale Ensemble. Si
Ma’am Budjang ang pinaka-iiwasan kong makasalubong sa CvSU. Ang laki kasi ng
atraso kay Ma’am. Umalis ako sa chorale ng hindi nagpapaalam. Kaya iniiwasan ko
talaga na mag-krus ang aming landas. Nakakahiya eh. Ngunit laking pasalamat ko
dahil ito’y panaginip lang pala.
Agosto 26
Martes ng Umaga
Ngayon
si Ma’am Raqs naman ang bida sa panaginip ko. Karaniwan kasi kapag may mga
pagsusulit, tanging bolpen ang iyong hawak dahil nanggagaling sa mga propesor
an gating test paper, babayaran na lamang natin ito sa kanila.
Pero
kay Ma’am Raqs, aba matindi ! test paper at maging bolpen ay si Ma’am ang
nagpo-provide, babayaran na lamang naming. Ngunit laking gulat naming na
biglang ilabas ni Ma’am Raqs ang kanyang specialty, isang supot ng kakanin at
ipinagbenta sa amin. Kaya’t habang nage-exam kami ay tulyo rin ang aming
pagkain. Masarap naman ang tinda ni Ma’am. Yun nga lang ay hindi naming aaalm
ang tawag dun. Nang biglang sabihin ni Ma’am na Langkatana daw yung kinain
naming. Biko na may langka at banana. Ang weird din dahil dun kami kumuha ng
exam sa pinaka-creepy na room sa biosci department sa room 101. Sayang lang
dahil ang masarap na Langkatana ni Ma’am Raqs ay panaginip lang pala.